Tinawagan ko si esmi kanina para sabay kaming mananghalian. Matay kasi sya sa inggit nang minsang kumain akong mag-isa ng prawn noodle na sadyang pagkasasarap-sarap. Partly to make up with her, sabi ko kain na lang kami ulit.

Quite late na kaming dumating sa kainan, as expected, jam-packed ang lugar. Pssst…’ngapala, dito ito sa famous Jackson Kopitiam sa may Mcpherson road. Baka magawi kayo, die die must try!

Habang naghihintay ng mauupuan, it suddenly struck me na ganoon pa rin pala ako ka-excited eating out with my wife even after 17 years. Dahil na rin siguro sa scorching noon sun, bumalik sa alaala ko yung mga lugar na kinainan namin at mga pagkaing aming nilapang. Natigil lang ang pagmumuni-muni ko nang dumating yung inorder namin. Galit-galit muna….ATTACK!!!!