“Live happily with the woman you love through all the meaningless days of life God has given you in this world. The wife God gives you is your reward for all your all your earthly toil” — Ecclesiastes 9:9

Nakita ko yung pasage na ‘to sa Daily Scripture sidebar ko at hindi ko naiwasang di pagmuni-munian. Double-edged and somewhat ironic kasi ang dating n’ya. Parang nanunuya na parang uplifting. Sabagay, medyo wretched ang mood ng Ecclesiastes, aasa pa ba?! Bakit nga ba ganoon?

Kung si esmi ang premyo ko sa pakikibaka ko sa mundane existence ko, does it go without saying na ako rin ang premyo n’ya? Knowing na paborable sa lalaki ang society, specially during the olden times, this may not be the case sa context ng passage.

Nung isang gabi nga pala na-feature sa Rated K ni Korina Sanchez yung lalaking may tatlong asawa. Amazing din naman! Hindi lang magkakakilala yung tatlo, naging magkakaibigan pa. Ibig bang sabihin nito na mas paborable sya ng nasa taas? Nakatatlong reward sya, ano?!

But seriously, and I’ve been telling my wife about it, that I cannot visualize myself without her. Siguro nga, totoong very much bearable ang buhay ko dahil sa kanya at sa mga bata. Naging meaningful, ika nga.

Minsan napag-uusapan namin kung hindi s’ya ang napangasawa ko, sino kaya o nasaan kaya ako ngayon? Minsan din naitanong n’ya sa akin kung mag-aasawa raw ba ulit ako kapag nauna s’ya (knock on wood..tok tok!). Sabi ko hindi na, I’ve learned my lesson well (sabay tawa).

Of course, alam nyang biro lang yon….

Advertisements