August 2004


para sa asawa kong mahal…

1994

anim na taon na pala tayo. bumpy ride indeed, but I guess we’re getting the hang of it. we are not perfect individuals, but it seems we’re perfect for each other. we naturally complemented each other, kaya siguro tayo tumagal. i’m temperamental–pasensyosa ka, you’re mature before your age–para namang akong kulokoy, maganda ka–di bale na lang.

we simply stick to each other.

siguro dahil tinutulungang kitang gumagawa ng homework mo, parati kitang binibilihan ng banana-Q with matching coke 500, isinasama kitang kumain ng palabok kila aleng beth sa palengke, binibilihan kita ng biko at ube ni aleng saleng, atmpb.

then we took the plunge.

ang hirap mamanhikan! you just graduated from college and I was a nobody working student. almost literally, iginapang ka ng mama mo para makatapos. tapos, ginapang naman kita. arthur forced the issue. ang game plan natin — pakasal sa huwes. enter ang mga oldies — simbahan daw! ngek! feel nila may pera tayo.

if love can move mountains, raising the money for the wedding is peanuts (palakas loob?!). we scrimped every cents, disposed of some of my items, borrowed money from the bank. sanamagan! i won’t let money get in the way, God knows how much I LOVE YOU.

Sta. Ana Church; 3rd of September, in the year of our Lord nineteen hundred and ninety four…

“to have and to hold, for richer or for poorer, in sickness and in health, ’til death do us part”

AMEN!!!

Advertisements

ten years wedding anniversary namin ng mylabidabs ko sa friday, so i decided to dedicate this whole week blogging about our lab istori. in tribute ika nga.

may 12, 1988 sa may paanan ng lambingan bridge…

i shit you not! lambingan bridge talaga ang tawag sa tulay na nag-uugnay sa sta. ana at kalentong sa may mandaluyong. kita nyo naman, setting pa lang lalanggamin na PC nyo.

piyesta ng sta. ana, bakasyon ng eskwela. syempre pa, nasa maynila si sallie. sa mindoro kasi sya nag-aaral ng high school. tagal ko na talagang s’yang tipo, kaya naman puro ang pa-cute ko ng makita ko s’ya.

syempre pa piyesta, lively ang atmosphere. the best daw mang-uto mangligaw ng babae pag ganitong may okasyon. emotionally vulnerable raw ang chickababes…hehehe!

tuloy ko kwento…

gulat sya ng kinamayan ko (with matching pa-cute to the max) pagkatapos ng sinalihan kong marathon. finisher ako, pero kulelat. hanggang ngayon, di ko pa rin maiisip ang motivation ko sa pagsali roon. siguro i need visibility (corporate lingo: look busy, nevermind your ability).

nang dumilim, at matapos ang ilang tagay ng beergin, nagkita ulit kami. syempre pa, nakahiram ng lakas ng loob kay san miguel, sinabi ko sa kanya ang nilalaman ng aking puson. alam ko namang may tinatagong pagsintang pururot din sa akin ang magandang dilag na ito, kaya konting bluff lang nakamit ko na ang pagkatamis-tamis nyang…

“PAG-IISIPAN KO MUNA!”

i was facing a wall, so i said something to this effect…

“ilang araw na lang babalik ka na sa lalawigan ng mga mangyan, pwede mo naman akong sagutin ngayon. pag-isipan mo na lang ng husto ‘pag nasa mindoro ka na. kung di mo talaga feel, bawiin mo pagbalik mo sa pasko. okay lang sa akin yon. ”

caught off guard s’ya sa drama ko, nalito. time for some diversionary tactic…

“punta ka ba ng perya, sasamahan kita?!”

naglakad kami papunta sa plaza. pa-gentleman effect, hinawakan ko ang kamay n’ya nang tumawid kami. nalibang yata, hindi na bumitiw.

i knew then, that we will be holding hands for the rest of our lives…

itutuloy!

I finished reading the bestselling book The Da Vinci Code few days back. I myself was awestruck on the speed I breezed through the book–merely 3 weekdays!

it is indeed a provocative book, something that will set you thinking. the factfile at the beginning was truly a great aid.

descriptions of ldv artworks are remarkable. it made me scrutinized the cross-stiched (by my sister-in-law) last supper on our dining room. the discussion on divine proportion is also fascinating!

this story has so many twists — all satisfying, most unexpected — that it would be a sin to reveal too much of the plot in advance in case you haven’t read the book yet.

honestly, i had goosebumps just recalling the read.

the bone of contention on this book is actually the esoteric priory of sion. was it a hoax or what?! maybe just like the holy grail, the truth will never be known. as always, FAITH will endure!

argentina basketball team i watched how argentina thrashed the US this morning, and my-oh-my, it was really a humbling experience for the nba players.

masyadong tentative ang mga moves ng mga player ng US, and they can’t seem to ram through the 3/2 zonal defense of the argentinians. talagang sablay ‘tong dream team IV.

being a basketball aficionado (kaya kahit na anong asar ko kay dubya), i still cheered for the US team. i know they are passionate about the game that is dear to me. but somehow, the fire in the hearts of the argentinians were lava hot. it devoured the US contingent.

losing to few countries should be a wake up call for the US pros–they don’t rule the world of basketball anymore.

king arthur andre tomorrow, my eldest son arthur, will seat on the “gifted child” examination.

although i can say that he’s quite doing well in his studies (given the circumstances), it is not exclusive to their “kind”. the examination is actually open (and free) to all primary 3 students. it’s a national exercise which happens every year here in singapore to tag those with “potentials”.

out of the few thousands students, about 500 will be short listed. they will bundled together and will be on a different syllabus. a form of “accelerated” class, leaders of the pack.

i’m not really sure if want him to be labelled as one. no doubt that the program can really maximize the child’s potential. but considering it’s rigidity, it might rob him of his childhood. i would really detest that!

galingan mo na lang anak and make us proud!

natuloy yung jogging namin ni mylab kanina…

may deadnok pala sa kabilang block namin. for the nth time nabanggit ko na naman yung paborito kong oxymoron kapag may burol dito…

“wala talagang kabuhay-buhay ang patay dito.”

pssst….hindi uso yung nakikiramay ang di kamag-anak or di kakilala dito. bury your own dead ika nga!

di gaya sa atin sa pinas, buhay na buhay ang communal concern. talagang abot-tenga ang mga mahilig sa tong its at mahjong, at ang ever alert na mga tambay….may pwesto na sila, may libre pang pakape at biskwet!

“divine proportion intervention”…

heavy rain and gutsy wind kanina. hanep! feel ko nasa pinas ako. lalo tuloy akong na-excite sa nalalapit naming uwi.

naudlot din ang jog namin ni esmi, sakit daw ulo nya. di bale, there are other ways “to skin a cat”…bwahahaha! (tawang romy diaz)

diyeta sa itlog at manok ngayon dito ‘coz of the bird flu in malaysia. most of the 3 million eggs consumed here everyday ay galing sa bansang ito.

Next Page »